Friday, June 20, 2008

PAG-IBIG?

isang malikmata,
may lambong: mapanglaw
na ulap--hadlang sa liwanag

umagang kay lamig,
agawang siphayo’t galak
sa bagong usbong na pangarap

nakadadarang na araw
ng pag-asa – nagbabagang punyal:
handang itarak sa dibdib

luha ng dapithapon,
dilig sa damdaming mayabong,
o, supling ng puso’y pipitlag!

diwata ng kaakuhan,
sa paglipad, kikislapkislap:
aalitaptap sa daan ng mga pangarap

kutitap, tanglaw sa aking karimlan!

No comments:

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.