Labis-labis
ang ginaw
ng iyong tampo-
gabi-gabi’y
nagdiriwang
ang mapanlinlang
sa sabog mong
liwanag:
sa kabilugan mo’y
naglulunoy sa
ligaya.
Palad mo’y hapis
sa pag-iisa,
di mapawi ng
hiram na sinag:
kumot ng lungkot -
walang saysay na
kalasag sa
haharaping
sumpang ligalig
ng karimlan.
Kaninong
diyos ipapalahaw
ang bahaw na tinig?
Ilang gabi pang
mapanglaw ang hahayaang
mapunit
bago dinggin ang
panalangin?
Maninimdim?
Mabubugnot?
Papalaot sa dusa,
takot?
Laslasin ang sinapupunan
ng gabi, buwan!
Iluwal ang silakbo
ng nagbabagang
umaga!
ang ginaw
ng iyong tampo-
gabi-gabi’y
nagdiriwang
ang mapanlinlang
sa sabog mong
liwanag:
sa kabilugan mo’y
naglulunoy sa
ligaya.
Palad mo’y hapis
sa pag-iisa,
di mapawi ng
hiram na sinag:
kumot ng lungkot -
walang saysay na
kalasag sa
haharaping
sumpang ligalig
ng karimlan.
Kaninong
diyos ipapalahaw
ang bahaw na tinig?
Ilang gabi pang
mapanglaw ang hahayaang
mapunit
bago dinggin ang
panalangin?
Maninimdim?
Mabubugnot?
Papalaot sa dusa,
takot?
Laslasin ang sinapupunan
ng gabi, buwan!
Iluwal ang silakbo
ng nagbabagang
umaga!
No comments:
Post a Comment