Huwag sanang pukawin
ang pusong nahihimbing
hayaan nang iduyan
sa ginaw ng dilim.
Huwag sanang malango
sa matamis na alak ng liwanag,
marahuyo ang puso sa bulaklak
na kandili ng iyong luha.
Huwag sanang madarang
sa nagbabaga mong puso
ang natutuyong sanga’t dahon
ng nasiphayo kong pagsuyo.
Huwag na sanang magdingas
ang apoy ng pag-ibig kong naapula’t
sindihan ang tanglaw sa mapanglaw
na daan ng naulilang ligaya.
Huwag sanang pukawin pa
kung sa paggising’y
di mabata ang dahas
ng mapagpalayang umaga.
ang pusong nahihimbing
hayaan nang iduyan
sa ginaw ng dilim.
Huwag sanang malango
sa matamis na alak ng liwanag,
marahuyo ang puso sa bulaklak
na kandili ng iyong luha.
Huwag sanang madarang
sa nagbabaga mong puso
ang natutuyong sanga’t dahon
ng nasiphayo kong pagsuyo.
Huwag na sanang magdingas
ang apoy ng pag-ibig kong naapula’t
sindihan ang tanglaw sa mapanglaw
na daan ng naulilang ligaya.
Huwag sanang pukawin pa
kung sa paggising’y
di mabata ang dahas
ng mapagpalayang umaga.
1 comment:
Ay, gusto ko ito!
Post a Comment