Thursday, May 1, 2008

AKO

ako

ang
ligaya’t
ligalig

kapayapaa’t
sigwa

dusa’t
pag -asa

kapahamaka’t
kaligtasa’y

ako

ang
bangis ng
panganib

kandungan ng
pag-ibig

himlayan ng
kabiguan

piging ng
tagumpay’y

ako

ang
buhay
at
kamataya’y


ako:

diyos!

No comments:

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.