Thursday, August 14, 2008

Mahal

suntok sa buwan
itong ating
paglalakbay.

hiram na landas na tinatahak
may latag na kapahamakan,
sukob ng karimlang poot naglalatang.

sala-salabat ang sibat
sa ating kalasag,
may tinik sa bawat rosas
na samyo sa ating
paghakbang
(sa palanas kailan pa
matututunang pigilin
ang tulo ng dugo ng
natinik na talampakan?)

hiram nga
kaya ang pinag-isa
nating kaluluwa?
hiram din kaya sa
lakbaying pinapangahas?

kapalaran nga kaya’y takda?

kasaguta’y isang sumpa:
ulos ng kapalara’y
buong tapang haharapin -
lakbaying ito’y paghawan
sa kasukalang
hiram sa
kaniyang ating
kinabukasan!

No comments:

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.