alalay,
wag magmadali,
habol kaya
ng pighati?
hinay-hinay
dahandaha’ng takbo,
hawak kita --
limot mo?
o! ngiti’y
simangot na sukli,
kumukulili kaya’y ano?
ibig ba'ng tumili?
bagalan,
bilisan kung bilisan.
wag kalimutan - sandali!
kasama mo kahit saan:
ako! ako!
No comments:
Post a Comment